-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Sa kulungan ang bagsak ng 11 katao matapos na maaresto ng pulisya dahil sa paglabag sa ipinapatupad na total lockdown kontra COVID-19. 

Kinulong ang mga naarestong kalalakihan sa Pendatun Police Station.

Sinabi ni PCpt. Abdulsalam Mamalinta Jr., alas-5:00 kahapon nang maabutin nila ang mga naarestong kalalakihan sa kahabaan ng Quirino Avenue na nagja-jogging.

Mahaharap umano sa kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code on resistance and disobedience to a person in authority mga naarestong kalalakihan.