-- Advertisements --
comelec

Nadiskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) ang 21 kandidato, kabilang ang 10 na nanalo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) noong Oktubre 30.

Ssinabi ng poll body na ang mga kandidato ay nadiskuwalipika pagkatapos na makita ng First and Second division na sila ay mananagot para sa premature campaigning and vote buying.

Sa 10 nanalong kandidato, dalawa ang barangay chairperson, tatlong barangay kagawad (konsehal), dalawang SK chairperson at tatlong SK councilors.

Sa 11 na natalo naman, siyam ang tumakbo para sa SK kagawad at dalawa para sa barangay kagawad.

Ang Tarlac ang may pinakamaraming bilang ng disqualified na kandidato na may pito, na sinundan ng tig-apat sa Batangas at Laguna.

Ang Pampanga ay may dalawang disqualified na kandidato habang ang Manila, Quezon City, Rizal province, at Maguindanao del Norte province ay may tig-isang bilang.

Sinabi ng poll body na mayroon pa ring 318 na nakabinbing motu proprio disqualification cases laban sa mga kandidato ng BSKE.

Kabilang dito ang 292 kaso ng diskwalipikasyon para sa premature at illegal campaigning at 26 para sa vote-buying and/or vote selling.