CENTRAL MINDANAO-Nawalan ng preno at bumangga sa bahay ang isang D4D van sa probinsya ng Cotabato.
Ang mga biktima ay mga guro ng Cotabato State University at ang driver nito.
Ayon kay Alamada Chief of Police Major Bryan Espinosa ang mga guro ay galing sa Bukidnon at pauwi na sana ng Cotabato City.
Ngunit pagsapit ng Van sa Barangay Barangiran Alamada Cotabato ay biglang nag-malfunction ang brake nito at bumangga sa isang bahay.
Maswerte namang nakaligtas ang mga nakatira sa loob ng bahay.
Ang mga sugatan ay agad dinala sa pagamutan at anim sa kanila ay nakalabas na.
Matatandaan na ilang vehicular accident na ang nangyari sa matarik na kalsada sa bahagi ng Brgy Barangiran sa bayan ng Alamada.
Mahigpit ang paalala ni Major Espinosa sa mga dadaan sa naturang lugar na mag doble ingat at mag dahan-dahan upang aksidente ay maiwasan.