-- Advertisements --

Itinaas pa sa 10% ang mga taong makakadalo sa misa ng mga simbahan sa lungsod ng Cebu matapos pinahintulutan ng Inter-agency task force (IATF) ang kahilingan ni Cebu City Mayor Edgardo Labella.

Alinsunod dito, naglabas na ang mayor ng Executive Order (EO) No. 086-B kung saan pinapayagan na ang 10% seating capacity sa mga religious gatherings.

Mula sa 10 indibidwal, nadagdagan pa ang total capacity sa mga simbahan na makadalo sa misa.

Kaugnay nito, nagpatawag ng pulong si Labella sa mga tagapangasiwa ng simbahan kasama ang mga pastoral guards upang paalalahanan na siguraduhin pa rin ang striktong pagpapatupad ng health protocols gaya ng social distancing at pagsusuot ng face mask.

Dumalo rin sa nasabing pagpupulong si Cebu City Police Office director Pol/Col. Josefino Ligan.