Nagkasa ngayon ng manhunt operation ang mga tauhan ng pulisya sa Pasay City.
Ito ay kasunod ng pagtakas ng sampung preso mula bilangguan ng Malibay Police Station sa Pasay City matapos nilang sirain ang metal grills nito na natuklasan bandang alas-4:30 kaninang umaga.
Sa datos ng Southern Police District, kabilang sa mga Presong nakatakas ay sina:
- – Richard Dela Cruz (Violation of RA 9165);
- – Carlo Magno Benavidez y Legaspi (Violation of RA 9165)
- – Christian Salvatierra y Samson (Violation of RA 9165)
- – Norman Deyta y Punzalan (Violation of RA 9165)
- – Joey Hernandez y Gabriel (Violation of RA 9165)
- – Eden Garcia y Rodriguez (Violation of RA 9165)
- -Tirzo Galit y Navarro (Robbery)
- – Romeo Estopa y Marasigan (Robbery)
- – John Michael Cabe y Medellin (Carnapping)
- – Joshua Panganiban (Robbery)
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tatlo sa mga bilanggo ang nagawang basagin ang iron bar ng main facility at pagkatapos ay hinawakan at hinampas ng mga ito ang duty jailer atsaka kunuha ang kaniyang service firearm nito, pera at iba’t-ibang susi sa naturang kulungan.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng manhunt operation ang Tracker Team mula sa Sub-Station 6, Intelligence Unit, at iba pang Sub-Station mula sa Pasay City Police station.
Samantala, kaugnayan nito ay patuloy naman ang panawagan ni Southern Police District Districe Director PBGEN Kirby John Kraft sa publiko na may agad na ipagbigay alam sa mga otoridad ang sinumang may impormasyon sa kinaroroonan ng mga nabanggit na tumakas ay ipaalam agad sa istasyon ng pulisya.
Maari rin po itong agad na ireport sa mga numerong: 09568005277 (Globe), 09985987922 (Smart), at sa numerong 09173661036.