-- Advertisements --
Arestado ang 10 katao sa isingagawang anti-drug operation sa Barangay Pembo sa Lungsod ng Makati.
Sinabi ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City PNP, target ng operasyon si Jayson Ongmanchi na dati ng naaresto dahil na rin sa iligal na droga.
Naabutan ang siyam na iba sa kaniyang bahay na gumagamit pa ang ilan ng iligal na droga.
Kabilang sa naaresto ang isang 12-anyos na menor de edad.
Nakuha sa suspek ang may 81 sachet na shabu, ecstacy tablets at mga baril na umaabot sa kabuuang P350,000 ang droga.
Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa suspek.