-- Advertisements --

CEBU CITY – Kinumpirma ni Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia na kabilang sa mga bagong nahawaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay isang one-year old na sanggol.

Ito’y matapos na nadagdagan ng walo ang newly-confirmed cases ng COVID-19 sa Cebu Province sa nakalipas na apat na araw.

Sa ginanap na virtual presser, sinabi ni Garcia na nakaranas ang naturang baby mula sa bayan ng Argao ng lagnat at ubo at kalaunan ay nagpositibo ito sa virus.

Kasali rin sa mga nahawaan ng COVID-19 ang tatlong jail guards mula sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center.

Nasa 76 na ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa Cebu Province, kasabay ng pinaluwag na protocols na ipinatupad sa general community quarantine.