-- Advertisements --
Patay ang isang katao matapos ang pagbagsak ng US military Osprey sa karagatan ng Yakushima Island sa southern Kagoshima prefecture sa Japan.
Sinabi ng tagapagsalita ng Japan Coast Guard, na mayroong kabuuang anim na katao ang kabuuang sakay ng eroplano ng ito ay bumagsak.
Nagpadala agad ng patrol boat at mga eroplano ang 10th Regional Coast Guard Headquarters sa lugar kung saan bumagsak ang eroplano.
Ayon naman sa Yakushima Airport Management Office sa Kagoshima na nakatanggap sila ng tawag mula sa US military na humihingi ng emergency landing sa Kagoshima Airport.
Itinuturing na flexible aircraft at kayang mag-take of vertically gaya ng helicopter na may bilis gaya ng conventional turboprop plane.










