LAOAG CITY – Patay ang isang lalaki matapos ang banggaan ng motorsiklo at isang kulong-kulong sa Barangay Saud sa bayan ng Pagudpud.
Ayon kay Police Major Jomar Andres, ang chief of police ng PNP-Pagudpud, ang biktima ay isang construction workers, may asawa at residente sa Barangay Burayoc sa nasabi ring bayan.
Sinabi ni Andres na patungong hilaga ang biktima at nakasalubong ang kulong-kulong na patungo namang tmog na direksyon na minaneho ng 39-anyos na isang construction worker, may asawa at residente sa Brgy. Caparispisan, dahilan ng insidente.
Dahil dito, tumilapon ang driver ng motorsiklo at napunta sa nakabanggang sasakyan dahilan para magtamo ng sugat sa ulo.
Agad namang itinakbo sa ospital ang bitima ngunit idineklarang dead on arrival ti driver.