CENTRAL MINDANAO-Isa katao ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa strafing incident sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang binawian ng buhay na si Gilbert Roa,45 anyos,may asawa at kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT).
Habang sugatan naman sina Eleonor Umutong at Kho Inok,mga residente ng Sitio Saging Barangay Ginatilan Pikit Cotabato.
Ayon kay Pikit Chief of Police Major Maxim Peralta na habang natutulog ang mga biktima sa kanilang bahay sa Sitio Saging Barangay Ginatilan Pikit Cotabato ay bigla itong pinaputukan ng mga hindi kilalang mga armadong kalalakihan gamit ang mga matataas na uri ng armas.
Agad namang tumakas ang mga suspek nang matunugan nila na nagresponde ang mga sundalo,Cafgu at mga pulis.
Dinala ang mga sugatan sa Cruzado Medical Hospital ngunit binawian ng buhay si Roa.
Nagpaabot naman ng tulong si Pikit Mayor Sumulong Sultan sa pamilya ng nasawi at sa mga nasugatan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa nangyaring strafing incident.