CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang kasapi ng New Peoples Army (NPA), at pito naman sugatan na kasalukuyang nasa kustodiya ng militar sa dalawang magkasunod na engkwentro sa Brgy Bagacay at Cogon, Ozamiz City, Misamis Occidental ngayong umaga.
Base sa report ng 10th Infantry Battalion, naganap ang unang engkwentro sa Brgy. Bagacay matapos isinumbong ng mga residente sa militar ang presensya ng mga armadong kalalakihan sa kanilang bayan.
Inabot ng 10 minuto ang naturang engkuwentro kung saan isa sa mga nakapalitan na putok ng militar na NPA ang binawian ng buhay.
Sinundan ito nang sagupaan sa Brgy Cogon, kung saan isang NPA at dalawang sundalo ang sugatan.
Bigong makatakas ang amin na NPA fighters matapos ma-intercept ng tropa ng 2nd PNP Mobile Force Company.
Inihayag ni Lt. Col. Ray Tiongson, 10th Infantry Battalion commander, na nakompiska nila sa dalawang operasyon ang isang M16 rifle, apat na caliber .45 pistol, pitong hand grenades, tatlong motorcycles improvised explosive components at mga pagkain.