-- Advertisements --
Isa ang patay habang dalawa ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa Long Island, New York.
Kinilala ng mga otoridad ang nakatakas na suspek na si Gabriel deWitt, 31, at dating nagtatrabaho sa West Hempstead grocery store kung saan naganap ang insidente.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad biglang pumasok ang suspek sa nasabing establisyemento at walang habas na namaril gamit ang hand gun.
Patuloy pa ang ginagawang paghahanap ng mga kapulisan sa tumakas na suspek at inaalam nilang mabuti ang naging motibo nito sa insidente.