-- Advertisements --
Inanunsyo na ng Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang kanilang initial senatorial slate para sa 2022 elections.
Kinabibilangan ito ng isang kongresista at tatlong cabinet members.
Ito ay sina House Deputy Speaker Rodante Marcoleta, chief presidential legal counsel Salvador Panelo, Information and Communications Technology Secretary Gringo Honasan, Transport Secretary Arthur Tugade at Public Works and Highgways Secretary Mark Villar.
Samantala, sinabi rin ng PDP-Laban na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang alok na tumakbo sa pagka-bise presidente.
Wala pa namang kumpirmasyon dito ang Malacanang.