-- Advertisements --

Inaresto ang isang basketball fan matapos siyang maghagis ng isang sex toy sa hardcourt.

Nangyari ang insidente habang nasa kasagsagan ng laban sa pagitan ng Atlanta Dream at Golden State Valkyries sa College Park sa Georgia. Habang nasa huling kwarter ng laban ay inihagis ng isang lalakeng fan ang

Ayon sa Women-NBA, ang sinumang fan na intensyunal na maghahagis ng anumang bagay sa hardcourt ay agad na palalabasin at mahaharap sa one-year ban.

Ito ay maliban pa sa pagkaka-aresto at prosection ng local authorities.

Sa ilalim ng WNBA Arena Security Standards, ang mga bagay na ihinahagis sa hardcourt o sa mga seating area ay itinuturing na safety risk para sa mga player, game officials at fans, kaya’t pinapatawan ng mabibigat na parusa ang mga gumagawa nito.

Sa kabilang banda, ang paghahagis ng mga sex toy ay itinuturing din bilang kawalang paggalang sa mga atleta at game officials.

Samantala, isa pang kahalintulad na insidente ang naitala sa matchup ng Golden State Valkyrie at ng Chicago Sky sa homecourt ng huli.

Bago matapos ang naturang laban sa pagitan ng dalawa, isang berdeng sex toy din ang inihagis sa court. Kinalaunan, sinipa lamang ito ng mga referee palabas sa court at tuluyan ding inalis. Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang insidente.