-- Advertisements --

Hindi pa itinuturing ng White House na ang nagaganap na pag-uusap para matiyak ang pagpapalaya ng mga bihag ng Hamas militants ay hindi pa umabot sa level ng negosasyon.

Ayon kay National Security Council strategic communications coordinator John Kirby, na tuloy-tuloy ang ginaganap na pag-uusap.

Hindi rin nito makumpirma kung nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Israel at Hamas ng tigil putukan ng hanggang dalawang buwan.

Itinalaga nila si Brett McGurk ang White House Middle East coordinator na nasa Cairo, Egypt ngayon para pag-usapan ang posibilidad ng hostage deal.