-- Advertisements --

Nagwagi ang Golden State Warriors laban sa Los Angeles Lakers sa pagbubukas ng NBA regular season, sa iskor na 119-109.

Pinangunahan ni Jimmy Butler ang kanyang koponan matapos makapagtala ng 31 puntos, habang nag-ambag si Stephen Curry ng 23 puntos at si Jonathan Kuminga naman ay may 17 puntos.

Samantala, nasayang ang 43 puntos ni Luka Dončić, na siyang bumuhat sa Lakers sa kabila ng pagkawala ni LeBron James na hindi nakalaro dahil sa patuloy na paggaling mula sa kanyang injury.

Sinubukan pang humabol ng Lakers sa huling yugto ng laro, kung saan bahagyang lumapit ang iskor.

Gayunman, sinelyuhan ni Stephen Curry ang panalo ng Warriors matapos maipasok ang isang crucial three-point shot sa mga huling segundo ng laban.