-- Advertisements --

Nakabuwenamano na ng isang panalo and defending champion na Milwaukee Bucks matapos na tambakan ang Boston Celtics, 101-89 sa Game 1 sa pagsisimula ng NBA semifinals sa Eastern Conference.

Bumida sa panalo ng Bucks ang two-time NBA MVP na Giannis Antetokounmpo na nagtala ng triple-double performance gamit ang 24 points, 13 rebounds at 12 assists.

Malaking tulong din naman ang ginawa ni Jrue Holiday na may 25 points at 10 rebounds at si Bobby Portis na nagpakitang gilas ng 15 points at 11 rebounds.

Nasayang naman ang ginawa nina Jayson Tatum na nagbuhos ng 21 points at si Jaylen Brown ay nagdagdag ng 12 points.

Gagawin ang Game 2 sa darating na Miyerkules.