Sa ikatlong sunod na pagkakataon, tinalo ng Golden State Warriors ang Sacramento Kings, 123 – 116.
nanguna sa opensa ng Warriors si 4-time NBA Champion Stephen Curry na nagbuhos ng 31 points habang binuhat naman ni Kevon Looney sa kanyang balikat ang depensa sa kanyang 22 rebounds 7 assists.
Sa nasabing game, apat na players ng Warriors ang kumamada ng mahigit 20 points, kabilang sina Draymond Green, Klay Thompson, at Andrew Wiggins.
Sa panig ng Kings,nanguna pa rin sa kanilang opensa si Kings Guard De’Aron Fox sa kanyang 24 points 9 assists at 7 rebounds. Nag-ambag din si Domantas Sabonis ng 21 points at 10 rebounds.
Naging kapana-panabik ang laban ng dalawang koponan. Sa unang kwarter, lumamang ang Kings ng tatlong puntos ngunit sa pagtatapos ng pangalawang kwarter, lumamang na ang Warriors ng apat na puntos.
Pagpasok ng 2nd half, nagbuhos ang Warriors ng 39 points kontra sa 34 points lamang ng Kings. Sinubukan naman ng Kings na maungusan ang Warriors sa pagpasok ng 4th kwarter ngunit bigo pa rin ang koponan, dahil na rin sa lakas ng depensa ng Warriors.
Ang nasabing panalo ang ikatlong sunod na panalo ng Warrios, simula game 3. Dahil sa dito, isang panalo na lamang ang GSW, habang babalik na rin sa kanilang court ang Game 6.










