Wala umanong problema sa Senado ang naging kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara na magsagawa ng special session para talakayin ang 2021 national budget.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III ang naturang direktiba ng Pangulo ay para sa House of Representatives.
Kung tutuusin daw ang kalendaryo ng kongreso ay sa October 16 pa ang sesyon bago ang bakasyon.
Liban lamang daw sa Kamara na biglang nagsuspendi ng sesyon.
Paliwanag pa ng Senate president ang order ng Presidente ay upang bigyang diin na dapat aprubahan na ng maaga ng Kamara ang General Appropriations Act sa third reading at isumite sa Senado dahil pag-aaralan pa ito ng mga senador.
Para naman kay Sen. Sonny Angara, ang chairman ng Senate finance committee, malaking bagay ang kautusan ng Presidente dahil magpapabilis ito sa agarang pagpasa ng pinakamahalagang panukalang batas.
Gayunman ang tagumpay aniya sa pagpapatibay sa budget ay nakasalalay pa rin sa kanilang counterpart sa Kamara.