-- Advertisements --

Tiniyak ngayon ng Social Security System (SSS)na wala raw sa kanilang mga member data records ang apektado sa sumiklab na sunog sa kanilang main office sa Quezon City.

Sa isang statement, sinabi ng SSS na ang lahat daw ng mga payment ay tatanggapin pa rin at agad ding maipo-post.

“SSS assures the public that all member data records are not affected and there is no interruption in the delivery of its services in all branches and via online thru My.SSS, SSS Mobile App, and uSSSap Tayo portals,”ayon sa SSS.

Ang sunog ay naganap sa Quezon City main office building UPS Room dakong alas-1:43 ng madaling araw at na-conatin naman ang sunog sa pamamagitan ng fire suppressant system.

-- Advertisement --

Idineklara naman ng mga bumberong under control ang sunod dakong alas-3:35 ng madaling araw.

Todo pasasalamat naman ang SSS sa Bureau of Fire Protection (BFP) Quezon City Station 4 dahil sa kanilang mabilis na pagresponde.