Nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi makokompromiso ang kalusugan ng publiko sa desisyon ng DOH na alisin na ang pag-check ng vital signs screening bago ang COVID-19 vaccination.
Nagpaliwanag ang kalihim na tatanungin pa rin kasi ang isang nagpapabakuna kung dati na itong may hypertension.
Ibig lang sabihin na malalaman pa rin naman ang history ng pasyente.
Ayon pa kay Duque, hindi na kailangan na lahat ng mga nagpapabakuna ay kukunan pa ng blood pressure dahil hindi raw matatapos ang proseso sa bakuna lalo na kung mahaba ang pila.
Gayunman doon sa mga grupo ng ating mga kababayan na nasa “high-risk group” o merong medical conditions ay sasailalim pa rin sa vital signs screening para i-check ang kanilang blood pressure.
Inihalimba pa ng kalihim kung ang monitoring daw ay tatagal ng 30 minutes, dalawa lang ang matatapos sa isang oras.
Kung sa walong oras naman nasa 16 lang ang matatapos ang mababakunahan.
Kaya naman ang nakikita daw nilang solusyon ay damihan ang post-vaccination team.
Una nang sinabi ng DOH na meron ng basbas mula sa Philippine Society of Hypertension at Philippine Heart Association ang desisyon na hindi na susuriin ang blood pressure ng mga magpapabakuna.