-- Advertisements --

Dinala sa emergency room ng isang pagamutan ang voice talent at content creator na si Inka Magnaye.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang nangyari sa kaniya.

Nagkaroon umano ito ng allergic reactions dahil sa nakakain ito ng maraming mushrooms o kabute sa isang restaurant.

Dagdag pa nito dalawang ulit itong humirit sa waiter ng nasabing pagkain subalit hindi nila binanggit na mayroon pala itong halong kabute.

Nakaramdam ito ng pangangati sa kaniyang labi at namaga bigla ang kaniyang lalamunan.

Agad itong uminom ng antihestamine at ng tignan mabuti ang menu ay doon nakita na mayroong sangkap na kabute ang kaniyang kinain.

Agad nitong binayaran ang kaniyang kinain bago ito dumiretso ng pagamutan.

Sinabihan nito ang staff ng restaurant na dapat ay alam nila kung ano ang mga sangkap nito na maaaring magkaroon ng allergies ang mga kakain na customers.