-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranong basketball referee na si Romy Guevara sa edad na 89.

Kinumpirma ng kaniyang kaanak ang pagpanaw ni Guevara dahil sa matagal na dinadalang sakit.

Huling nakita ito sa publiko ay noong nakaraang apat na buwan sa PSA Awards Night kung saan tumanggap siya ng Lifetime achievement awards.

Matapos ang maging referee ay naging supervisors of officials siya ng PBA.

Naging referee rin siya sa MICAA, PABL ganun din sa NCAA at UAAP.