-- Advertisements --
Pumanaw na ang beteranong actor na si Dwight Gaston sa edad na 66.
Kinumpirma ng kaniyang mga kaibigan at kaanak ang pagpanaw ng actor subalit hindi na sila nagbigay pa ng ibang detalye.
Isinilang bilang si Anthony Dwight Gaston na isa ring musician, art director at costume designer.
Nakilala siya sa pagganap sa pelikulang “Oro Plata Mata” at “Scorpio Nights”.
Kabilang sa labis na nagluluksa ang actor na si Joel Torre na itinuturing niyang matalik na kaibigan sa loob ng mahigit 50 taon.
Kasama niya ang actor sa pelikulang “Yanggaw”.
Siya rin ang screenwriter ng mga pelikulang “Shake Rattle and Roll 2” , “Gagamboy” , “Banyo Queen” at “Minsan Ko Lang Sasabihin”.










