Inamin ni House Majority Leader Martin Romualdez na agad maluluklok bilang House Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kasabay ng inaasahang pagpasa ng Kamara sa panukalang 2021 national budget.
“I assured my esteemed colleagues that the gentleman’s agreement will be honored after the approval of the national budget for 2021 on third and final reading on Friday, October 16.”
Pahayag ito ni Romualdez sa gitna ng umuugong na balita na ide-deklarang bagong speaker of the House sa Velasco sa gitna ng special session.
Ayon sa Leyte representative, hindi naman pulitika ang agenda ng special session na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi ang approval sa pambansang pondo.
“Let us set aside politics and focus first on the passage of the national budget as requested by the President.”
Nitong araw nang nakitang magkasama sina Velasco at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na pinaniniwalaang nangampanya na sa mga kongresista para suportahan ang kaibigang mambabatas.
Pero nanindigan ang ilang kongresista na hindi nila hahayaang mabahiran ng pulitika ang special session para makalusot sa huling pagbasa ang panukalang budget.










