-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni House Speaker Lord Allan  Velasco ang mga nagawa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong taon.

Sa kanyang talumpati bago ang kanilang Christmas break, sinabi ni Velasco na 133 panukalang batas na kanilang tinalakay ang naging ganap na batas, 913 ang aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa, at 266 naman ang adopted resolutions.

Sa kabila aniya ng mga hamon at pagsubok na hatid ng pandemya ay napatunayan ng Kamara ang katatagan nito sa pamamagitan nang patuloy pa ring pagsusulong ng mga mahahalagang batas.

“We refused to be defined by hardship nd loss. If there is one thing pandemic showed us, we are stronger, we are more capable than we reliazed. There is more that unites us than divides us. Our legislateive work is vital in pandemic response,” ani Velasco.

Ngayong papalapit na ang Pasko, nagpapasalamat si Velasco sa trabaho na ibinuhos ng mga kapwa niya kongresista para sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino.

Pinaghahanda naman niya ang mga kasamahan niya sa Kamara para sa mangyayari sa susunod na taon gayong “crucial year” aniya ito kung maituturing.

“Christmas is around the corner. It is time to be thankful for blessings, prepare for coming year. I thank you all for your work. I am truly humbled to stand by your side and fight for filipino people. Everyday is opporutnity to champion constituents. Everyday is an opportunity to be grateful,” dagdag pa ni Velasco.