-- Advertisements --
Ipinaalala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na epektibo na ngayong buwan ang implementasyon ng 12 percent ng value-added tax (VAT ) sa mga non-resident digital service providers kabilang na dito ang mga streaming platforms.
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr, na ang nasabing mga digital platforms ay dapat magrehistro sa online, maghain ng VAT returns at mag-remit ng bayad sa BIR Digital systems.
Sakaling walang mga phsycial offices ang mga providers sa Pilipinas ay maari nilang gawin ito online.
Dahil dito ay inaasahan ng BIR na makakulekta sila ng nasa P10.8 bilyon na revenue pagdating ng huling bahagi ng taong 2025.