-- Advertisements --

Nananatiling “guessing game” sa mga fans ni Janella Salvador ang katotohanan hinggil sa usap-usapang nagdadalang-tao ang young actress.

Janella 4

Ito’y kahit pa lumakas lalo ang isyu sa kabila ng pananahimik ni Salvador at boyfriend nitong Filipino-British actor/model na si Markus Paterson.

Kinumpirma na kasi ng veteran singer-actress na si Jenine Desiderio, ina ni Janella, na nasa United Kingdom ito sa pamamagitan ng Facebook Day Story.

Na-screenshot din ng ilang netizens ang video na kanyang ipinost kung saan makikita si Markus, kasama ang nakababatang kapatid ni Janella.

Ang ama ni Janella ay ang musician na si Juan Miguel Salvador.

Habang si Markus ay ipinanganak at lumaki sa sa London, United Kingdom.

Nitong weekend nang gulatin ng magkasintahan, kapwa 22-anyos, ang showbiz fanatics nang aminin ang kanilang romantic relationship sa pamamagitan ng sweet video kung saan sila ay naghalikan pa.

August 2019 nang simulang ma-link ang dalawa, subalit “deny nor confirm” pa.

Bago kay Markus, si Janella ay dating girlfriend ng celebrity ding si Elmo Magalona at naugnay kay Joshua Garcia.

Samantala, sa impormasyon mula sa pep, sinasabing nakatakda nang manganak si Janella sa susunod na buwan.