-- Advertisements --
Gagawan ng wax figure ng sikat na Madame Tussauds si US Vice President Kamala Harris.
Ibinahagi ng Madame Tussauds New York na kasalukuyang tinatapos na ang clay head ni Harris katabi ang sculpture ni President Joe Biden.
Si Harris din ang siyang kauna-unahang vice president figure sculpture na ginawan ng Madame Tussauds.
Naging tradisyon na rin kasi sa wax museum na gawan ng sculpture ang sinumang pangulo ng US bilang pagkilala.
Mula sa London ang mga artist na gumawa ng wax figure ng dalawa.