Sisimulan na ng US ang pagsasanay sa mga sundalo ng Ukraine para magamit ang ibibigay nilang Patriot missile system.
Ayon sa Pentagon na nasa 100 sundalo ang isasailalim sa training na gaganapin Fort Sill sa Oklahoma at ito ay magtatapos ng ilang buwan.
Sinabi naman ni Pentagon press secretary Air Force Brig. Gen. Pat Ryder na kapag natapos na ang pagsasanay ay maaari ng magamit ng Ukraine ang nasabing Patriot missile system.
Malaking tulong aniya ang Patriot missile system para malabanan ang anumang banta ng paglusob lalo na laban sa Russia.
Bukod sa US ay kabilang din ang Germany na magsasanay sa mga sundalo ng Ukraine sa paggamit ng Patriot missile system.
Magugunitang nangako ang US na magbibigay sila ng mga patriot missile system bilang arms support sa Ukraine.