-- Advertisements --

Tila hindi alintana ng American TV personality na si Tana Mongeau ang batas sa kanilang bansa na pagbabawal sa pagkasangkot sa anumang uri ng vote buying.

Ito’y matapos hindi pa rin binubura ng nasabing sexy internet sensation ang post nito na naghihikayat na paboran si Joe Biden, na siyang kalaban ni Donald Trump sa US presidential elections sa susunod na buwan.

Hamon pa ni Tana, bibigyan niya ng kanyang nude picture ang lahat ng makakapagpatunay na sa dating US vice president ang kanilang boto.

Game pa nitong in-edit ang kanyang nakatuwad na larawan habang kita ang pwet, at ipinalit nito si Biden sa kanyang mukha.

https://www.instagram.com/p/CFyIdQGBbHC/