-- Advertisements --
JOE BIDEN 1

Makikipag-usap si US President Joe Biden kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Huwebes sa Hiroshima bago ang Group of Seven summit na gaganapin sa Japan.

Aalis si Biden sa Washington sa Miyerkules at darating sa Hiroshima sa susunod na araw, na kung saan ito ay ang kanyang pangalawang pagbisita sa Japan mula nang manungkulan noong 2021.

Sina Biden at Kishida, na huling nagdaos ng pagpupulong noong Enero sa Washington, ay inaasahang pagtitibayin ang lakas ng alyansang panseguridad ng kanilang mga bansa.

Habang nakatakdang talakayin din ang kanilang tugon sa lumalagong paninindigan ng China sa rehiyon ng Indo-Pacific at digmaan ng Russia sa Ukraine.

Si US Pres. Joe Biden ang pangalawang nakaupong presidente ng US na bibisita sa nasabing lungsod ng Japan na sinalanta ng atomic bomb ng US sa mga huling araw ng World War II.

Top