-- Advertisements --
Magpapadala ang US ng nasa 3,000 na mga sundalo sa Afghanistan.
Ito ay para tulungan ilikas ang mga US diplomats sa kanilang embahada sa Kabul.
Sinabi ni US State Department spokesperson Ned Price na ang mga sundalo ay maayos na ililikas ang mga personnel ng kanilang embahada.
Paglilinaw nito na hindi ito full evacuation at ang hakbang ay isang uri ng pag-iingat lamang.
Kasabay nito pinayuhan ng US Embassy sa Kabul ang mga mamamayan nila na nasa Afghanistan na agad na lumikas.
Ito ay dahil sa mabilisang pagsakop ng mga Taliban militants ng mga lungsod sa nasabing bansa.
Mula ng pakonti-konting inalis ng US ang mga sundalo sa Afghanistan ay mabilis ang ginagawang pagsakop ng Taliban sa mga lugar.