-- Advertisements --

Suportado ng US ang pagbibigay ng advanced fighter jets kabilang ang F-16 sa Ukraine.

Ayon sa isang senior White House officials na handa rin nilang turuan ang mga Ukrainian pilots para magamit ang nasabing mga eroplanong pandigma.

Ang nasabing plano ay siyang tinalakay din ni US President Joe Biden sa harap ng mga lider ng Group of Seven.

Ang nasabing plano ng US ay bilang tugon na rin kay Ukraine President Volodomyr Zelenskyu na matagal ng humihirit ng mga fighter jets para tuluyang malabanan ang ginawang pagsakop ng Russia.