-- Advertisements --

Nakatakdang ibasura ng US Department of Justice ang kasong kriminal na inihain laban kay dating national security adviser Michael Flynn.

Ang nasabing hakbang ay matapos na hilingin ni Flynn na tanggalin na ang kaniyang guilty plea.

Kabilang kasi si Flynn na na-convict sa isinagawang investigation ng special counsel sa pamumuno ni Robert Mueller sa panghihimasok ng Russia noong 2016 US elections.

Kailangan pang ng pormal na aprubahan ng korte ang nasabing request.

Taong 2017 ng dalawang beses itong nag-plead guilty sa kaso at sinabing nagsinungaling ito sa FBI.

Sa inilabas naman na pahayg ng US Justice Department na hindi nila mapatunayan na nagsisinungaling si Flyn at ang pagsisinungaling nito ay may katuturan.