Walang nakaligtas sa pagbagsak ng US Air Force B-52 bomber ilang sandali pa lamang matapos mag-takeoff mula sa Edwards Air Force Base sa southern California, nitong alas-11:20 ng umaga (local time) Lunes, Hunyo 15.
Kinumpirma ni Col. James Hayes, Deputy Commander ng 412th Test Wing, Edwards Air Force Base, ang malagim na trahediya, na nagresulta sa pagkasawi ng inilarawan niyang walong magigiting na Americans, na kinabibilangan ng crew ng military, government civilians at government contractors.
Nangyari ang insident habang nasa routine mission ang naturang military aircraft. Sinusuportahan ng B-52 ang radar modernisation programme ng base nang agad itong bumagsak matapos mag-takeoff at sumilab.
Ayon kay Hayes, ipinaalam na sa mga kamag-anak ng crew ang nangyari at nakatakdang tukuyin ang kanilang mga pagkakakilanlan.
Sa ngayon, ganap nang na-contain ang pagbagsak ng military aircraft sa loob ng runway ng Edwards Air Force Base at pansamantalang grounded o itinigil muna ang mga operasyon ng naturang air force base.
Sa kasalukuyan din, nagpapatuloy ang mga serye ng imbestigasyon para matukoy ang ugat ng pagbagsak ng military aircraft, na inaasahang magtatagal ng hanggang 30 araw.










