-- Advertisements --

Pumanaw na ang actor na si Adan Canto sa edad 42.

Ayon sa kaniyang publicist na dumanas ng appendiceal cancer ang nasabing Mexican star.

Nakilala ang actor sa pagganap niya sa US TV show na “Designated Survivor” at “X-Men: Days of Future Past”.

Sa kanilang mga social media ay nagpaabot ng kalungkutan at pakikiramay ang ilang Hollywood stars gaya ni Halle Berry na nakasama ng actor sa pelikulang “X-Men”.