Minaliit ng mga opisyal ng Maynila ang tigil pasada ng grupong Manibela ngayong araw.
Karamihan kasi sa mga pampasaherong sasakyan sa lungsod ay bumyahe pa rin sa mga pangunahing ruta.
Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, bagamat hindi ramdam ang tigil pasada, tuloy ang libreng sakay ng lokal na pamahalaan, bilang bahagi ng serbisyo publiko.
Goot ni Lacuna, may 20 e-trikes, dalawang mobile transport 3 SUV, dalawang transporters at 16 patrol vehicles ng Manila Police District ang nag-aalok ng libreng sakay.
Binantayan naman ng lokal na pamahalaan ang mga ruta San Juan-Divisoriaa, Blumentrit-Novaliches, Nagtahan-Paco, Divisoria-Cubao, Morayta-Divisoria at Balic-Balic-Quiapo.
Nag-antabay din ang mga libreng sakay units sa mga lugar na unang nabanggit na magkakaroon ng strike ang ilang miyembro ng grupong Manibela.
-- Advertisements --