-- Advertisements --

Matagumpay na nailipat at itinanghal sa Louvre Abu Dhabi sa United Arab Emirates ang obra maestra ni Juan Luna na ”Una Bulaqueña,” ayon sa National Museum of the Philippines.

Ang naturang seremonya ay dinaluhan nina His Excellency Mohamed Khalifa Al Mubarak ng Louvre Abu Dhabi, Philippine Ambassador Alfonso Ver, at Jorell M. Legaspi ng National Museum.

Sa ibang banda makikita sa artwork ang isang babaeng taga-Bulacan na nakasuot ng tradisyonal na kasuotan na sumasalamin sa kagandahan at dignidad ng isang Filipina.

Kinikilala rin ito bilang isang matagumpay na pagpapakita ng pagka-Pilipino ng isang sining dahil sa istilo nitong mala European artwork.

Kasama ng ”Una Bulaqueña” sa eksibisyon ang mga obra nina Auguste Renoir at Édouard Manet.

Magugunitang idineklara itong National Cultural Treasure noong 2008 at isa sa mga pinakaminamahal na likhang-sining sa bansa.

Binigyang diin naman ni Ver, sumasalamin ang eksibisyong ito sa tumitibay na ugnayan ng Pilipinas at UAE.

Samantala mananatili ang ”Una Bulaqueña” sa Louvre Abu Dhabi hanggang Hunyo ng taong 2026.