-- Advertisements --
Tuluyan ng kinondina ng United Nations ang ginawang pag-angkin ng Russia sa ilang lugar sa Ukraine.
Sa ginawang UN General Assembly, halos lahat ng 193-miyembro nila ang hindi pumabor sa ginawang ito ng Russia.
Mayroong 143 bansa ang bumuto sa resolution na dapat irespeto ang soberanya, independence, pagkakaisa at territorial integrity ng Ukraine.
Habang mayroong apat na bansa na binubuo ng Syria, Nicaragua, North Korea at Belarus ang pumabor sa Russia sa ginawang pag-angkin nito.
Nag-abstain naman ang 35 bansa mula sa botohan kabilang dito ang China.