
Inimbitahang bumisita sa Pilipinas ang ikatlong special rapporteur sa susunod na taon bilang bahagi ng inisyatibo sa capacity building sa usapin ng karapatang pantao sa ilalim ng United Nations Joint Programme.
Ito ay si Morris Tidball-Binz, isang medical doctor mula sa Chile na bihasa sa forensic sciences, human rights at humanitarian action na kasalukuyang United Nation special rapporteur sa extra-judicial, summary o arbitrary killings.
Ang pagbisita ni Morris sa bansa ay para mapataas at magkaroon din ng capacity building para sa forensic pathologists sa ating bansa.
Sa kasalukuyan, mayroon lamang daalwang lisensiyado at kinikilala sa international na forensic pathologists ng Pilipinas, sina Dr. raquel Fortun at Dr. Cecilia Lim.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang naturang hakbang ay nagpapakita ng pagiging bukas ng gobyerno ng Pilipinas sa mga rekomendasyon ng UN members.
Una ng inimbitahan at nakatakdang bumisita sa bansa ang dalawang special rapporteur na sina Mama Fatima Singhateh na special rapporteur on the sale and sexual exploitation of children at Irene Khan, special rapporteur on freedom of expression and media.
Magsasagawa ang mga ito ng assessment sa kalagayan at progreso pagdating sa paglaban at paghinto ng pagbebenta at sexual exploitation ng mga bata gayundin ang problema sa freedom of the press alinsunod sa international human rights norms at standards.










