-- Advertisements --

Pagbobotohan ng United Nation Security Council ngayong Martes, Abril 7 ang resolusyong protektahan ang commercial shipping na dumaraan sa Strait of Hormuz.

Nauna nang naglatag ng iba’t ibang drafts ang kasalukuyang umuupong chair ng konseho, na Bahrain para sa resolusyon na naglalayong malusutan ang oposisyon mula sa China, Russia at iba pa, kung saan isa sa pinakabago rito ay ang pagbabawal sa paggamit ng pwersa.

Sa halip, mariing hinihikayat ang mga estado na interesado sa paggamit ng naturang ruta na makipagtulungan pagdating sa depensa para matiyak ang ligtas na paglalayag sa Strait of Hormuz.

Kabilang sa mga kontribusyon na maaaring maibigay ay pag-eskort ng merchant at commercial vessels kasama na ang mga pagsisikap na mapigilan ang mga pagtatangka na harangin, isara o makialam sa international navigation sa Hormuz Strait.

Ayon sa diplomats, may tiyansang maipasa ang “watered-down version” na resolusyon, subalit nananatiling hindi malinaw kung ito ay magtatagumpay. Kinakailangan kasi ng siyam na botong pabor at walang vetoes mula sa limang permanent members ng konseho kabilang ang Bahrain, China, France, Russia at US.

Noong Huwebes, nauna nang nagpahayag ng pagtutol ang China sa resolution na nagpapahintulot sa paggamit ng pwersa at sinabing ito ay magpapalehitimo lamang sa iligal at indiscriminate use ng puwersa, na maaaring humantong sa escalation ng sitwasyon at magresulta sa seryosong consequences.