-- Advertisements --

Mistulang nakabaang na ang fans at kritiko ni Heart Evangelista sa bawat kibot nito at mga ipino-post online.

Pinakabagong puntirya ng mga netizen ay ang dalawang party ni Heart sa kanyang 37th birthday kasabay nitong Araw ng mga Puso kung saan isa sa kanyang inirampa ang golden chainmail dress.

Binubuo ng maliliit na metal rings para makabuo ng mesh o ‘yaong mala-see through style, agaw pansin dahil kita na ang kanyang black underwears at ang hubog ng katawan.

Heart 37th bday 2
Heart’s IG

“Feeling young” pa rin daw ang binansagan bilang socialite actress, kasabay ng pagbati na rin sa 7th wedding anniversary nila ng 52-year0old former senator na si “Chiz” Escudero.

Hindi rin nakawala sa mata ng halos 10 million followers ni Heart o Love Marie sa tunay na buhay, ang mga accesories gaya ng singsing (PHP1,239,095.68), bag (PHP71,944.60), at ang hikaw (PHP1,315,017.79) na binili pa nito sa Paris kamakailan lang.

Hindi pa kasama rito ang bracelet at ang mismong golden chainmail dress na sinasabing aabot sa tinatayang P12 million ang kanyang birthday OOTD (out fit of the day).

Kung maaalala, tampulan din ng kantyaw ang pre-birthday post nito kung saan hawak ang branded na birthday candle at kahapon lamang ay branded naman na mga hanger kung saan biro pa ng iba, pangarap daw nilang mapalo nito.