Nais ni Senator Imee Marcos na maimbestigahan ang umano’y malawakang fraudulent voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakdang idaos sa Oktubre ngayong 2023.
Binanggit ng Senadora sa inihain nitong Senate Resolution No. 592 ang isang ulat noong 2020 kung saan nasa mahigit 77,000 double o multiple registration records ang tinanggal ng Commission on Elections (Comelec).
Iniulat din aniya ng poll body noong Marso 31 ng nakalipas na taon na nakapagdetect ng nasa 892,627 double registrations para sa 2022 national at local elections.
Inihayag din ng mambabatas sa resolution ang umano’y malawakan at hindi maipaliwanag na pagtaas ng rehistradong botante at registration applicants sa Barangay Carmona sa Makati city kung saan mula sa 4,718 registered voters noong 2022 polls, lumobo sa 78% o 8,415 ang bilang ng egistered voters at registration applicants sa naturang barangay.
Kayat mambabatas, kailangang i-revisit ang kasalukuyang election laws kabilang ang Voter’s Registration Act of 1996 at ilang bahagi ng Omnibus Election Code upang makagawa ng kaukulang reporma para matugunan ang matagal ng isyu sa flying voters at fraudulent voter registration.
Nagpahayag naman ng suporta si Comelec chairnman George Erwin Garcia sa resolution ni Sen Imee.
Subalit inihayag din ni Garcia na unfounded at speculative ang sentimiyento ng mga protesters na ngrerklmo sa resulta ng halalan noong 2022 at bilis ng proseso ng canvassing.
Bagamat karapatan naman aniya ng mga ito na ihayag ang kanilang opinion. Sa katunayan ay mayroon ng kaso sa SC na isang tamang venue para sa nasabing isyu.