Sinimulan na ng Ukriane ang pagpapadala ng mga drone experts nito sa ilang bansa sa Gitnang Silangan para tapatan ang drones ng Iran.
Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na mayroong limang bansa sa Gitnang Silangan ang humingi ng tulong sa kanila.
Maliban din dito ang hiling ng US at Europe ng dagdag na suporta.
Pinag-aaralan din ng Ukraine kaya nilang maibalik ang seguridad sa Strait of Hormuz kung saan tinatarget ng Iran ang mga dumadaan na mga barko.
Nangunguna kasi sa buong mundo ang Ukraine na gumagawa ng cutting-edge, battle-tested drone interceptors na mura na at epektibo.
Ito ang gamit ng Ukraine sa ginagawang paglusob ng Russia ng mahigit na apat na taon na.
Dagdag pa ni Zelenskya na pinag-aralan nila ng bawat galaw ng Shahed drones na pinagmamalaki ng Iran.
















