-- Advertisements --
Nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na tanggalin ang Russia sa pagiging miyembro ng United Nations’ Food and Agriculture Organization.
Ito ay dahil sa paglusob nila sa Ukraine na nagresulta sa global food crisis.
Isinagawa ng Ukraine President ang panawagan sa talumpati nito sa Organization for Economic Co-operation and Development.
Dagdag pa nito na ilang bilyong katao na ang nagugutom dahil sa food crisis na dulot ng paglusob ng Russia sa kanila.