-- Advertisements --
cropped Pope Francis

Inaasahang makikipag-pulong bukas si Ukraine President Volodymyr Zelensky kay Pope Francis, sa Vatican City.

Ang nasabing pulong ay isasagawa ng dalawang kilalang lider, dalawang linggo mula nang inanunsyo ng Vatican na kasama ito sa isang peace mission na nagnanais magtuldukan ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine

Sa kasalukuyan, hindi pa naglalabas ng karagdagang statement ang Vatican City ukol sa magiging pulong.

Samantala, maliban kay Pope Francis ay posible rin umanong makipagkita si Zelensky kay kay Italian Prime Minister Giorgia Meloni, habang si Zelensky ay nasa Italy.