-- Advertisements --

Nagbabala ang dating commander ng United Kingdom Joint Forces Command na si General Sir Richard Barrons may seryosong banta na matalo ang Ukraine sa giyera laban sa Russia ngayong taon.

Ang dahilan ayon sa heneral ay dahil nararamdaman ng Ukraine na hindi ito magwawagi sa giyera.

Bagamat wala pa aniya sa ganoong punto sa ngayon ang Ukraine, nasa kritikal na kalagayan ang pwersa ng Ukraine kung saan kinakapos na ng ammunition ang mga tropa at air defense nito.

Inaasahan din ayon sa Heneral na ngayong summer ay maglulunsad ng mas malawakang opensiba ang Russia na susubukang pasukin ang tinawag nitong Ukrainian lines.

Kung mangyari umano ito, mapapasabak ang Ukraine sa paglusob ng Russian forces at pag-exploit sa mga lugar sa Ukraine kung saan hindi sila mapipigilan ng Ukrainian armed forces. (With reports from Bombo Everly Rico)

Top