-- Advertisements --

Pumayag na ang United Kingdom na gamitin ng US ang kanilang mga military base para sa pag-atake sa Iran.

Nagkasundo ang mga British ministers sa ginawang pulong na ipagamit sa US ang kanilang mga base militar na matatagpuan sa Gitnang Silangan.

Dahil dito ay maaring mapalawig pa ito sa pamamagitan ng pagbibigay proteksyon sa mga barko na dumadaan sa Strait of Hormuz na tinatarget rin ng Iran.

Paglilinaw pa rinng UK na hindi sila makikilahok sa anumang pag-atake sa Iran.

Binigyang halaga ng UK na dapat ay mabilis ng matapos ang krisis sa Gitnang Silangan at masolusyunan na ang giyera sa Iran.

Magugunitang noon ay nanindigan ang UK na hindi nila ipapagamit sa US ang kanilang mga military base sa Gitnang Silangan sa kadahilanan na ayaw nilang madamay sa anumang giyera.