-- Advertisements --
Nagtala ang Uganda ng unang kamatayan ng Ebola sa capital nito na Kampala.
Ayon sa health ministry ng bansa na siya ang pang-19 na biktima dahil sa outbreak at unang nasawi.
Aabot kasi sa 54 ang kumpirmadong kaso ng ebola ang naitala sa Uganda.
Sa nasabing bilang ay mayroong 20 katao na ang gumaling kabilang ang limang medics mula sa unang pagamutan kung saan ginagamot ang kaso.
Ang nasawing biktima ay matagal na alam ng mga health authorities doon na nadapuan ng nasabing virus.